"KAHIT HINDI AKO MAG-SUCCEED AT LEAST KAYA MONG SABIHIN SA SARILI MO NA I DID MY BEST!"---idol RICO YAN..Everyone deserves second, third , fourth or even a thousand chances just believe in yourself and of course to our creator (GOD). God will always be a GOOD PLANNER.He have better plans to each and everyone of us, sometimes nadedelay lang but all you have to do is to wait, wait and WAIIIT until makamit na natin ang mga dreams natin. God sometimes delay his plans to be able for us to realize that our best and effort is not enough or that is not the right track for us. Just always remember EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON!=)
I'm a simple human being who Always dream big at binibigay ang BEST sa lahat ng bagay (sa lahat nga ba?) and ang taong nakaranas ng madaming pagkabagsak sa buhay pero hindi ko to ginawang rason for me not to fight in the battle of life.
One of my failure is when i failed the Nursing Licensure Examination last July 2010. Isa sa mga pinanghihinayangan ko sa buhay ko ang hindi ko pagpasa sa board. Aaminin ko nalungkot ako ng sobra, naiinggit ako sa mga nakapasa, nagalit ako sa sarili ko, nanghinayang ako sa mga paghihirap ng mom ko for me to take that exam at naging masaya din for those who passed the board. Nalungkot ako ng sobra when i knew that i failed the board, I remember when the result was released by PRC, I was on a training that time at Red Cross Balanga City, Bataan, almost half of the class is shouting because they passed the board, and me? nakaupo lang sa tabi ng mga hindi din nakapasa but that time hindi ko pa alam kung ano result ng exam ko. I feel like i was showered with ice cold water all over my body pati mga dulo ng mga daliri ko ea nanginginig sa kaba. Takot akong malaman ang result kaya hindi ko pinapatanong kung nandoon ba ang name ko but my classmates asked my name to Ted who is talking to his kuya over the phone who is checking the names of passer, and I saw Ted, moving his head from right to left and left to right which means I FAILED!!! that time parang nasa Alaska ako sa sobrang lamig ng pawis ko pati kamay ko umiiyak ata dahil basang basa ng pawis ito at parang nawalan ako ng mga buto na biglang nanghina sa mga oras na yun pero hindi pa ako umiyak dahil sabi ko sa sarili ko " AYAW KONG UMIYAK!" at ayoko ding makita ng mga classmates ko na iniyakan ko ang board pero hindi ko ata talaga kaya so I decided to go out sa room and I called my mom and when I heard the voice of my mom, unti unti ng tumulo ang luha ko na hindi ko kayang pigilan, and then she asked me " OH BAKIT KA UMIIYAK?", sagot ko lang "AHMM..MA SO...SOR...SORRY." ang paputol putol kong sabi sa mom ko at patuloy ako sa pag-iyak. Kahit alam kong alam na nya ang ibigsabihin ko ng sorry, tinanong pa nya akong " SORRY SAAN?", " KASI BUMAGSAK AKO SA BOARD!" ang sagot ko... "OKEI LANG YAN.GANYAN TALAGA ANG BUHAY.GALINGAN MO NA LANG NEXT TIME." she replied. Alam kong dobble or triple pa ang sakit ng nafefeel ni mama that time kesa sakin because nag-eexpect sya sakin na makapasa pero pinalakas nya pa ang loob ko. "MA SORRY TALAGA.GAGALINGAN KO NA LANG TALAGA NEXT TIME AND THANK YOU."... "OK LANG YAN..WAG MO NA IYAKAN." sabi ng mom ko...Patuloy pa din ako sa pag-iyak ko sa gilid ng labas ng room namin when some hands tapped my back and saying "MIKE SIGE ILABAS MO LANG YAN.IIYAK MO LANG YAN. WE'RE HERE FOR YOU!".. mga kaibigan ko pala sa training.(Hindi sila sanay na makita akong malungkot at umiiyak kasi everytime na nakikita nila ako lagi daw akong nakasmile at ako ang joker ng class.) kaya medyo naging ok na pakiramdam ko nun kasi may mga kaibigan naman ako para icomfort ako even if my family is not on my side that time.
Hindi nyu rin siguro maaalis sa akin ang mainggit at magtanong bakit sila nakapasa at ako hindi, I DID MY BEST naman ah bakit ganon?it's unfair! Yan ang natatanging namumutawi sa akin sa mga oras na yun but I realized ito ang plan ni God for me. Hindi ko dapat kinukwestyon ang mga plano sakin ni God. Every time I opened my FB sa loob ng 3-4 days lagi akong nakakakita ng "CONGRATS.RN KA NA!!BLAHH BLAHH BLAHH"..inggit lang talaga ang nafefeel ko pero sabi ko sa sarili ko.darating din ang panahon na mapupuno ang WALL NG FB ko na ng "CONGRATS MICHAEL..YOU MADE IT..RN KA NA!!!" and I realized na hindi makakatulong sa pagmomove on ko na laging INGGIT na lang ang namumutawi sa puso ko. EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON ito lang ang nagpapalakas ng loob ko everytime naiisip kong I FAILED!
Nagalit din ako sa sarili ko kasi ahmmm ewan ko siguro may pagkukulang din ako why I failed and sad to say nagalit din ako kay GOD non (pero ilang seconds lang yun ah !) because of what happened pero pilit kong nilabanan yun and nagpray na lang ako at nagTHANK YOU na din dahil kahit papaano naramdaman ko ang ganito and because of this naging matapang at matatag akong tao. And I learned that once God put you in a situation you only have few options, at isa nga doon ang labanan at maging matatag sa hamon ng buhay.
Hindi mo din maalis sakin ang manghinayang sa oras na ginugulong ko sa pagrereview ko.more than 3months din yun. SRG or SULTAN REVIEW GROUP ang tumulong din samin para sana makamit ang minimithing LICENSE. I learned so much things not only for the board exam but also on how to handle the life before and after the exam. Nanghihiyang din ako sa gastos sakin ni mama pero sabi nya sakin "PERA LANG YUN AT LEAST GINAWA MO NAMAN ANG BEST MO SA EXAM."
Naging Happy din naman ako sa lahat ng mga kaibigan at classmates kong nakapasa and they never failed to comfort me when I'm down because of the result and sabi pa nila "TARA SASAMAHAN KA NAMIN UMINOM" but I told them "NO!HINDI KO TOH IIINOM.HINDI ALAK ANG SAGOT DITO..SIPAG AT TSAGA LANG". At ang nakakatuwa pa ea..Sila pa ang bumilib sakin kasi ang tatag ko daw at napaka POSITIVE kong tao (kasi ako pa daw yung nagpapalakas ng loob sa iba kong kaibigan na bumagsak din.) ea ang sakin naman wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin na lang at galingan na lang natin next time at darating din ang tamang panahon para sa atin na makapasa.
Right now I don't want to be remembered by the people around me na "AYAN SI MICHAEL YUNG BUMAGSAK SA BOARD!" pero ang gusto ko ea "AYAN SI MICHAEL YUNG MATATAG AT MALAKAS ANG LOOB".Sa naranasan kong ito masasabi ko sa sarili kong "MATATAG AKONG TAO" .
"EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON. ONLY GOD KNOWS KUNG KELAN ANG TAMANG PANAHON FOR US AT ANG MGA TAMANG BAGAY FOR US. HAYAAN NATING SI GOD ANG MAGPLANO SA BUHAY NATIN. ANG MABUHAY NG MATATAG LANG SIGURO ANG HINIHINGI NYA SA ATIN."</span>
=)