Napag-isip isip ko kanina yung mga nangyari sakin sa Olongapo nung pagdating ko sa bahay at bigla kong naitanong sa sarili ko “NAABUSO ATA KABAITAN KO NGAYON AH!” .(wag na kumontra mabait talaga ako hindi lang ako showy!LOL)……
Patunay number 1
Nakasakay ako sa Jeep pa puntang SBMA(Subic Bay Metropilitan Authority) kasi dapat sasakay ako sa byaheng 7am para sana BUS ang masakyan ko pero ayun dahil sa kakaTUMBLR ko kanina naiwan ako ng byahe so ayun nagjeep na lang ako. AT SA JEEP!!!napaupo ako sa likod ng driver dahil para sana makatulog ako (puyat kasi kakaTUMBLR!) pero ayun nagsimula na ang kalbaryo..”KUYA BAYAD PO!” abot naman ako dahil di kayang abutin nung driver kaya ayun nagmabuting loob ako na nag-abot sa kanya..”KUYA PAABOT PO!.” ok abot nanaman ako..at ayun walang tigil na ang kamay ko sa pag-abot at pagbigay ng sukli at pagtanong ng “ILAN PO SA 100?Ilan po sa 500?” haaay…ABUSO #1
Patunay number 2
NSO Subic—Isang babae lumapit sakin at nagtanong kung paano fill-up-an yung application form for birth certificate.At dahil nga M-A-B-A-I-T ako, ako na lang nagfill-up for her kasi di nya din makita at malabo kasi mata nya..ayun..=)))
Patunay number 3
Sa jeep papuntang Olongapo galing sa NSO Subic- Isang babae na may ampon na bata at napakadaming dala so ano pa ba ang gagawin ng maginoong lalaking tulad ko?(WAG NA ULIT KUMONTRA!) ayun sabi ko..”MISS AKO NA PO MAGDADALA AT MAGHAHAWAK!”..(bait ko diba?) ayun 30mins ko din hawak mga gamit nya.Then pagdating sa Olongapo sabi nya sakin kung pwede ko ba daw sxang ihatid papuntang Terminal ng Victory Liner sabi ko namna “OKEI LANG!SIGE.=)”..ayun para tuloy kaming mag-asawa..sya may ampon ng baby namin at ako ang may dala ng mga bags (ayan ah with S yan meaning hindi lang isang bag!lol) at stroller..haggang sa loob ng bus pinalagay nya sakin yung mga dala nya..ayun..
HINDI NAMAN AKO NAGREREKLAMO OR WHAT..WALA LANG NAIISIP KO LANG!AT NATUWA NAMAN AKO SA MGA GINAWA KO!!KABAIT KO DIBA???(SUMANG-AYON NA KAYO!)
No comments:
Post a Comment