Tuesday, April 26, 2011

NAKALIMOT NA NGA BA?

Ika nga sa isang TEXT : KAPAG NAKAKAHANAP TAYO NG MGA BAGONG KAIBIGAN, HINDI MAIIWASANG MAISANTABI ANG MGA MAS NAUNANG KAKILALA. MINSAN NGA NAKAKALIMUTAN PA NA NANDYAN SILA. 

Nakakalungkot subalit kahit anong ipasok nating paliwanag sa ating mga isipan hindi talaga maiaalis ang ganyang senaryo sa ating buhay.

Ilang Bilyong minuto din ang napagsamahan namin..Milyong oras ang ginugol sa piling ng isa't isa. Libong araw ang hinarap kasama ang bawat isa pero ngayon parang unti unti nang naglalaho ang mga pinagsamahan, nagiging isang parte na lang ba ng nakaraan ang mga panahong tayong magkasama sa eskwela?sa pagsakay ng tricycle pauwi?ang pagtambay sa tuloy sa hapon?ang pagkain ng bananacue, hutzhue, ban mei, halo-halo, manga o kung anu-ano pang makita sa daan? ang tawanan sa gilid ng kalsada kasama ang buong barkada pauwi galing sa eskwela? ang mga araw na ginugugol sa mga pagpapraktis at paggawa ng projects? ang iyakan sa tuwing trip ng barkada na mag-open forum?  ang mga overnights? ang mga trippings? ang mga swimmings? at kung anu-ano pang "ANG"..hayy nakakamiss at nakakalungkot lang talagang isipin na sa lampas dekada naming pagsasama ea kahit isang balita o TEXT man lang ea wala kaming natatanggap mula sa isang kaibigan na kapatid na ang turing namin. 

Hindi siguro namin masisisi ang isang kaibigan na nakalilimot (SIGURO at H'WAG NAMAN SANA! ) dahil sa kanyang trabaho na kulang na lang ea ibenta ang sarili magkaron lang ng day-off mula sa kanyang trabaho. 

Basta kung sino ka man tandaan mo nandito lang kaming mga (OLD) kaibigan mo kung kailangan mo ng suporta (wag lang sa pera.wala kaming trabaho ea). Nakahanda ang mga balikat at panyo namin para sa mga luhang manggagaling sa sakit na iyong nararamdaman (lovelife man yan o kahit ano.) Mga kamay na handang haplusin ang likod mo at ang bibig na handang magsabing .....

"NANDITO LANG KAMI KASAMA MO!KAYA MO YAN!"


LOVE:  YOUR TRUE BLOODED FRIENDS

Thursday, April 14, 2011

Naabuso nga ba?

Napag-isip isip ko kanina yung mga nangyari sakin sa Olongapo nung pagdating ko sa bahay at bigla kong naitanong sa sarili ko “NAABUSO ATA KABAITAN KO NGAYON AH!” .(wag na kumontra mabait talaga ako hindi lang ako showy!LOL)……
Patunay number 1
Nakasakay ako sa Jeep pa puntang SBMA(Subic Bay Metropilitan Authority) kasi dapat sasakay ako sa byaheng 7am para sana BUS ang masakyan ko pero ayun dahil sa kakaTUMBLR ko kanina naiwan ako ng byahe so ayun nagjeep na lang ako. AT SA JEEP!!!napaupo ako sa likod ng driver dahil para sana makatulog ako (puyat kasi kakaTUMBLR!) pero ayun nagsimula na ang kalbaryo..”KUYA BAYAD PO!” abot naman ako dahil di kayang abutin nung driver kaya ayun nagmabuting loob ako na nag-abot sa kanya..”KUYA PAABOT PO!.” ok abot nanaman ako..at ayun walang tigil na ang kamay ko sa pag-abot at pagbigay ng sukli at pagtanong ng “ILAN PO SA 100?Ilan po sa 500?” haaay…ABUSO #1
Patunay number 2
NSO Subic—Isang babae lumapit sakin at nagtanong kung paano fill-up-an yung application form for birth certificate.At dahil nga M-A-B-A-I-T ako, ako na lang nagfill-up for her kasi di nya din makita at malabo kasi mata nya..ayun..=)))
Patunay number 3
Sa jeep papuntang Olongapo galing sa NSO Subic- Isang babae na may ampon na bata at napakadaming dala so ano pa ba ang gagawin ng maginoong lalaking tulad ko?(WAG NA ULIT KUMONTRA!) ayun sabi ko..”MISS AKO NA PO MAGDADALA AT MAGHAHAWAK!”..(bait ko diba?) ayun 30mins ko din hawak mga gamit nya.Then pagdating sa Olongapo sabi nya sakin kung pwede ko ba daw sxang ihatid papuntang Terminal ng Victory Liner sabi ko namna “OKEI LANG!SIGE.=)”..ayun para tuloy kaming mag-asawa..sya may ampon ng baby namin at ako ang may dala ng mga bags (ayan ah with S yan meaning hindi lang isang bag!lol) at stroller..haggang sa loob ng bus pinalagay nya sakin yung mga dala nya..ayun..
HINDI NAMAN AKO NAGREREKLAMO OR WHAT..WALA LANG NAIISIP KO LANG!AT NATUWA NAMAN AKO SA MGA GINAWA KO!!KABAIT KO DIBA???(SUMANG-AYON NA KAYO!)

Wednesday, April 13, 2011

Planong magiging DRAWING?

Hindi ka ba mabadtrip pag yung PLANONG pinaghahandaan mo, pinag-iipunan at iniisip araw araw ea magiging isang malaking DRAWING na lang(?!) at sana wag naman na humantong na maging PAINTING na pwede nang ihanay kay MONALISA.haay talaga!!tsk tsk tsk..kakabadtrip!




PINKY PROMISE? Alam NINYO ba talaga yun? Kahit yung iba ea talagang sa una palang ea napipicture na nilang isang malaking DRAWING nga yung pinaplano nating OUT OF TOWN ng barkada at mukang hindi nga sila nagkamali..unti unti nang nagbaback out yung mga nangakong SURE NA! haiyts..Ilang milyong butil ng kanin din ang hindi ko kinain makamit lang ang minimithing ABS (ok baka may magtaas ng kilay dyan ea.sige na AB na lang without S na!) AB para sana makapagtopless ako dun..Namili pa ako ng Vaseline UV Whitening body Lotion for Men para sa braso kong hindi pantay ang kulay (KAHIT NAKAHUBAD NA AKO EA KALA NYU NAKASUOT PA AKO NG WHITE SHIRT!) as in ganun yung pagkaitim ng braso ko at puti ng katawan ko!LOL (YOBONG!) para sana pagnaghubad na ako para magbeach ea mala SAM MILBY na yung katawan ko!(yan ang hindi nawawalan ng pag-asa!).Balak ko din na sanang mamili ng bago kong SWIMMING ATTIRE! haay.. At hinanda ko na ang Tent nadadalin sana natin.Nagsearch na din ako kung pano tayo makakarating dun.....pero ayun mukang naglalaho na sxa...=(




Nung una 6 na ang sure at nag PINKY SWEAR pa wari! at ayun unti unti nang nalalagasan. May kanya kanya naman silang rason kung bakit sila hindi makakasama at dahil kaibigan ko sila at MAHAL ko sila, pilit kong iniintindi sila ngayon kahit talagang MASAKIT at KAKABADTRIP sa part ko!.sana pala hindi na lang ako umasa.=(




PERO GANUN PA MAN DAPAT AKONG MAGING OKEI KASI KAHIT HUTZHUE,BANMEI,HALO-HALO,SIOMAI,TANDUAY ICE,EMPERADOR,RED HORSE,CARBONARA(sobrang sarap kasi ako nagluto!),SPAGHETTI(with peanutbutter) AT KUNG ANU-ANO PA AT KAHIT SA TABI TABI LANG KAMI TUMAMBAY BASTA'T KASAMA KO LANG SILANG MGA KAIBIGAN KO MAGIGING KONTENTO NA AKO AT MAGIGING MASAYA NA AKO! (naks nangongonsensxa lang ako!bwahahaha)
















SANA NAMAN MATULOY YUNG BALAK NATIN!=(