Ika nga sa isang TEXT : KAPAG NAKAKAHANAP TAYO NG MGA BAGONG KAIBIGAN, HINDI MAIIWASANG MAISANTABI ANG MGA MAS NAUNANG KAKILALA. MINSAN NGA NAKAKALIMUTAN PA NA NANDYAN SILA.
Nakakalungkot subalit kahit anong ipasok nating paliwanag sa ating mga isipan hindi talaga maiaalis ang ganyang senaryo sa ating buhay.
Ilang Bilyong minuto din ang napagsamahan namin..Milyong oras ang ginugol sa piling ng isa't isa. Libong araw ang hinarap kasama ang bawat isa pero ngayon parang unti unti nang naglalaho ang mga pinagsamahan, nagiging isang parte na lang ba ng nakaraan ang mga panahong tayong magkasama sa eskwela?sa pagsakay ng tricycle pauwi?ang pagtambay sa tuloy sa hapon?ang pagkain ng bananacue, hutzhue, ban mei, halo-halo, manga o kung anu-ano pang makita sa daan? ang tawanan sa gilid ng kalsada kasama ang buong barkada pauwi galing sa eskwela? ang mga araw na ginugugol sa mga pagpapraktis at paggawa ng projects? ang iyakan sa tuwing trip ng barkada na mag-open forum? ang mga overnights? ang mga trippings? ang mga swimmings? at kung anu-ano pang "ANG"..hayy nakakamiss at nakakalungkot lang talagang isipin na sa lampas dekada naming pagsasama ea kahit isang balita o TEXT man lang ea wala kaming natatanggap mula sa isang kaibigan na kapatid na ang turing namin.
Hindi siguro namin masisisi ang isang kaibigan na nakalilimot (SIGURO at H'WAG NAMAN SANA! ) dahil sa kanyang trabaho na kulang na lang ea ibenta ang sarili magkaron lang ng day-off mula sa kanyang trabaho.
Basta kung sino ka man tandaan mo nandito lang kaming mga (OLD) kaibigan mo kung kailangan mo ng suporta (wag lang sa pera.wala kaming trabaho ea). Nakahanda ang mga balikat at panyo namin para sa mga luhang manggagaling sa sakit na iyong nararamdaman (lovelife man yan o kahit ano.) Mga kamay na handang haplusin ang likod mo at ang bibig na handang magsabing .....
"NANDITO LANG KAMI KASAMA MO!KAYA MO YAN!"
LOVE: YOUR TRUE BLOODED FRIENDS

No comments:
Post a Comment